TUGUEGARAO CITY-Bubuksan ngayong araw, Hunyo 23, 2020 ang tatlong KADIWA outlet sa probinsya ng Cagayan kasabay ng ika-122nd annibersaryo ng Department Of Agriculture (DA).

Ayon kay Bernard Malazzab Jr. ng DA-Region 02, ang panibagong tatlong “Kadiwa ni Ani at Kita” project ay matatagpuan sa Iguig partikular sa souther cagayan research center, barangay Sampaguita, Solana at sa Regional Government center dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Layon nitong mailapit sa mga mamamayan ang agricultural products na sariwa at mura.

Malaking tulong din aniya ito sa mga lokal farmers para hindi masayang ang kanilang mga produkto lalo na ngayong panahon ng pandemic kung saan limitado lamang ang galaw.

Kauganay nito, sinabi ni Malazzab na simula ng binuksan ang mga kadiwa outlet sa buong rehiyon ay mayroon na itong gross sale na P11Milyon.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Bernard Malazzab Jr.