TUGUEGARAO CITY-Tatlong kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) ang naidagdag sa Region 02 ayon sa Department of Health na may kabuuang 20 kaso ng nagpositibo sa sakit.
Kinumpirma ng DOH-RO2 na ang mga panibagong kaso ay sina PH2310, 29-anyos; PH2313, 30-anyos; at PH2315, 53-anyos.
Batay sa tala ng DOH, si PH2310 ay babae na mula sa Cabagan, Isabela at nagtatrabaho bilang isang health worker sa Tuguegarao City na mieyembro ng surveillance team na nagsasagawa ng contact tracing.
Siya ay kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center at nakakaranas ng sore throat.
Habang sina PH2313, lalaki at PH2315, babae ay kasalukuyang naka-admit sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) at kapwa residente sa Solano, Nueva Vizcaya na nagkaroon ng exposure kay PH774 na namatay sa rehiyon dahil sa covid-19.
Nasa mabuti namang kalagayan ang tatlong panibagong pasyente ayon sa DOH.
Samantala, sa 20 positive case sa rehiyon, anim na ang gumaling matapos magnegatibo sa kanilang second swab test.
Sila ay sina PH275, ang unang kaso ng covid-19 sa Tuguegarao City, PH661 ng Tuao, Cagayan, PH837 at PH840, kapwa taga- Alicia, Isabela, PH983 ng Tuguegarao City at PH1261 ng Bayombong, Nueva Vizcaya.