Hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi matapos makumpirmang nahawaan ng hantavirus sa Anzoátegui, Venezuela.

Ayon sa health ministry ng bansa may dalawang health worker na nasawi sa Barinas ang iniimbestigahang may kaugnayan rin sa naturang virus ngunit wala pang ebidensiyang may kaugnayan ang mga ito sa kaso ng hantavirus sa Anzoátegui.

Ang hantavirus ay karaniwang naipapasa sa tao sa pamamagitan ng mga daga, lalo na sa mga rural at agricultural area. Maaaring mahawa ang isang tao kapag nalanghap ang mga particle mula sa ihi, dumi, o laway ng mga infected na daga, partikular sa mga kulob na lugar.

Nilinaw din ng mga awtoridad na wala pang scientific evidence na naipapasa ang virus mula tao sa tao sa Venezuela.