Umnakyat na sa tatlong indibidwal ang nasawi dahil sa pagkalunod kaugnay ng pag-obserba sa Semana Santa sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng pulisya, isang 27-anyos na binata mula sa bayan ng Buguey ang nasawi sa pagkalunod sa Tangatan River sa bayan ng Sta. Ana dakong 5:30 ng hapon nitong Sabado de Gloria.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinubukang tumawid sa kabilang pampang ang biktima nang nagkayayaang maligo sa ilog, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak ang biktima kung saan hindi accredited tourist destination ang naturang lugar kaya walang nakatalagang lifeguard o safety personnel.

Matatandaan na unang naiulat ang pagkasawi ng isang 57-anyos na lalaki sa bayan ng Tuao matapos tumalon sa ilog na itinuturing na suicide by drowning noogn Biyernes Santo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kaperahong araw, isang 8-anyos na lalaki mula sa Brgy. Dodan, Peñablanca ang nalunod matapos sundan ang kanyang ama sa ilog.

Muli namang pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na maging responsable, mapagmatyag, at alerto lalo na ngayong panahon ng tag-init at bakasyon upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magbunga ng kapahamakan.