TUGUEGARAO CITY-Pinaghahanap na ng PNP-Baggao ang tatlong katao na illegal na nagpupuslit ng mga kahoy sa Barangay Santa Margarita, Baggao, Cagayan.
Ayon kay PLt. John Sarmiento,Deputy Chief of Police ng PNP-Baggao, ibibyahe na sana ng mga suspek na sina Elino Salamero , Noel Patricio at isang hindi pa nakikilala, ang mga kahoy na nakalagay sa kariton nang matunugan ang pagdating ng mgamiembro ng kapulisan.
Nasa 360 board feet na Gmelina at Narra na nagkakahalaga ng P16,000 ang nakuha mula sa mga suspek.
Aniya, nakilala ang mga suspek dahil matagal na umanong minamanmanan ng mga mimebro ng Municipal Environment and Natural Resources Office (Menro)-Baggao ang dalawang suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Menro-Baggao ang mga nakumpiskang kahoy habang inihahanda na ang kasong paglabag sa PD 705 laban sa mga suspek.