TUGUEGARAO CITY- Sugatan ang tatlong kalalakihan matapos masangkot sa vehicular accident sa lungsod ng Tuguegarao, kagabi.
Batay sa naging imbestigasyon ng PNP-Tuguegarao, binabaybay ni Nathaniel Banatao, 27 ng Nattanzan, Iguig ang kahabaan ng Barangay Pengue Ruyu nang biglang nabangga ang papalikong tricycle.
Dahil sa lakas ng impak ay tumilapon ang dalawang sakay ng tricycle na sina Richard Banan, 40-anyos at Dante Talang , 43-anyos kapwa residente ng brgy Alimanao, Peñablanca.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang tatlo na agad namang isinugod sa pagamutan.
Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang tatlo ng mangyari ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang mga sasakyan ng magkabilang panig.