TUGUEGARAO CITY-Naaktuhang humihithit ng illegal na droga ang tatlong kalalakihan sa bayan ng Camalanuigan, Cagayan.

Una rito,nagpatrolya ang mga kapulisan sa nasabing bayan nang mapansin ang tatlong kalalakihan na pumunta sa abandonadong ware house.

Sinundan ng mga pulis ang tatlo kung saan naaktuhang humihithit ng illegal na droga.

Nahuli ang isa sa mga suspek na si Jerome Gonzales, 37-anyos, driver, residente sa Barangay Centro 11, Aparri habang mabilis namang nakatakbo dalawang suspek.

Nakuha kay Gonzales ang ilang drug paraphernalia.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hawak na ng Camalanuigan Police Station si Gonzales na nahaharap sa kasong republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.