Nagkasa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ang militar ng operasyon laban sa mga most wanted at high-profile fugitives sa buong bansa.
Nitong Agosto 9, 2025, isinilbi ng pulisya ang warrant of arrest sa Brgy. Lamin, Lumbayanague, Lanao del Sur kung saan tatlong lalaki na kinilalang sina “Abu Zacaria,” “Al Wala,” at “Asnawi” ang naaresto, habang tatlo pang wanted na sina “Anwar Rahman” “Abdullah” at “Nahara” ang nasawi matapos maka engkwentro ang mga awtoridad.
Ang mga ito ay may kasong murder at homicide na pare-parehong kasapi ng Dawlah Islamiya Maute Group (DI-MG) at nakalista sa AFP Periodic Status Report 2023.
Sa clearing operations, nakumpiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang armas, mga pampasabog at 2 itim na ISIS flags.
Samantala, nakapalag naman at nakatakas si Amerol Usman ang umano’y amir o lider ng DI Maute Group – ISIS, kasama ang ilang kasamahan habang nasugatan ang isang sundalo pero kasalukuyan na itong nasa stable condition matapos isugod sa ospital.