Wala pang natatanggap na formal request ang Philippine Navy mula Department of Justice (DOJ) para simulan na ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, mayroon silang 3 teams ng Naval Special Operations Command na nakahanda para sa technical diving operations.
Ide-deploy umano ang 3 teams ano mang oras na kakailanganin.
Samantala, aminado naman ang Navy na malaking hamon ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero dahil sa 170 meters na lalim nito.
Gayunman, handa umano silang ibigay at gawin ang kanilang makakaya para makatulong sa paghahanap sa mga missing sabungero
-- ADVERTISEMENT --