
Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlo pang pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.
Ito ay matapos ang panibagong warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 13 Lipa City laban sa negosyanteng si Atong Ang at 20 pang iba.
Ayon kay CIDG-NCR Director Col. John Guiagui, mayroon pang apat na nadagdag na pulis mula sa naunang warrant kung saan ang tatlo rito ay nasa kustodiya na ng ahensya.
Sa ngayon, isa pang dismissed na pulis ang pinaghahanap pa rin ng awtoridad kasama na ang negosyanteng si Atong Ang.
Sa kabuuan, 22 na ang akusado sa nasabing kaso ng missing sabungeros at 20 na ang nasa kustodiya ng pulisya.
-- ADVERTISEMENT --








