Tuguegarao City- Kinumpirma ng Department of Health Region 2 ang tatlong mga panibagong kaso ng COVID-19 confirmed cases sa na naitala sa lambak ng Cagayan.
Kabilang sa mga bagong pasyente sa sakit ay si PH7274, lalaki, 72, mula sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya, PH 7236, lalaki, 28 anyos, mula Santiago City, kasama si PH 7308, lalaki, 27,na mula naman sa Alfonsolista, Ifugao at kapwa mga medical frontliners na nakabase sa isang pagamutan sa lungsod ng Santiago, Isabela.
Sa pahayag ni Dr. Leticia Cabrera ng DOH Region 2, parepareho umanong nakaranas ng sitonmas ng lagnat, sipon, hirap sa paghinga at panghihina ng katawan ang mga pasyente.
Nang dumating ang resulta ng kanilang mga swab test ay doon nakumpirmang positibo ang pasyente sa naturang sakit.
Dahil dito ay muli namang hinihikayat ng direktor ang publiko na dapat ay maging maingat pa rin at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang makaiwas sa banta ng COVID-19.
Maalalang kamakailan ay idineklara na ang Region 2 bilang “COVID-19 positive free” matapos magnegatibo sa sakit at makalabas sa pagamutan ang 27 mga pasyenteng.
Sa ngayon ay mayroon ng 30 mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 26 rito ay nakalabas na sa pagamutan at gumaling habang isa naman ang nasawi.