Hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi habang pito ang nawawala matapos ang isang pag-atake laban sa mga informal miner noong bisperas ng Bagong Taon sa bayan ng Pataz, rehiyon ng La Libertad sa hilagang Peru.

Ayon kay Pataz Mayor Aldo Marino, naganap ang pag-atake sa may entrada ng isang minahan, at may posibilidad pang tumaas ang bilang ng mga nasawi batay sa ulat ng mga residente sa lugar.

Hindi pa kinukumpirma ng pulisya ang insidente at wala pang pahayag mula sa pamahalaan.

Kilala ang Pataz bilang pangunahing gold-producing area ng Peru, kung saan laganap ang maliliit at informal na minahan.

Ilang permit sa pagmimina ang umano’y inaabuso ng ilegal na minero na konektado sa mga criminal gang, dahilan ng serye ng karahasan sa lugar sa mga nagdaang taon.

-- ADVERTISEMENT --