
Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 na tatlong katao ang nasawi sa Nueva Vizcaya dulot ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
Ayon kay, OCD Region 2 spokesperson Alvin Ayson, dalawang biktima ay limang taong gulang na kambal sa bayan ng Kayapa na natabunan ng lupa sa landslide.
Tatlong miyembro ng kanilang pamilya ang sugatan at dinala sa Lt. Tidang Memorial Hospital.
Sinabi ni Ayson na ang pagkakakilanlan ng ikatlong biktima ay kasalukuyang iniimbestigahan, ngunit pinaghihinalaang ito rin ay dahil sa landslide.










