Tatlong Pilipinong estudyante ang nagwagi ng mga parangal sa 66th International Mathematical Olympiad (IMO) na ginanap sa Sunshine Coast, Australia.
Nakamit ni Jerome Austin Te ang silver medal, habang si Joshua Bautista ay nagtamo ng bronze medal.
Si Mark Justin Villafuerte naman ay nakatanggap ng honorable mention sa kanyang unang paglahok.
Kasama rin sa koponan ang tatlong iba pang mag-aaral at mga trainers na sumuporta sa kanila.
Sa kabuuan, pumuwesto ang Pilipinas sa ika-66 mula sa 110 bansang lumahok.
-- ADVERTISEMENT --
Maaalala noong nakaraang taon ay pumuwesto ang Pilipinas sa ika-50 at nakakuha ng anim na parangal.
Ang IMO ay isa sa pinakamalaking kompetisyon sa matematika na nilalahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa.