Photo Credit: PENRO Cagayan

TUGUEGARAO CITY-Ginawaran ng PNP Cagayan ang tatlong himpilan ng pulisya bilang Top Performing Stations para sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation o SACLEO para sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay PLt. Marjellie Gallardo, tagapagsalita ng PNP-Cagayan, ginawaran ang PNP Tuguegarao bilang Overall Top Performing Station sa nasabing kategorya dahil sa mga naitalang accomplishments ng nasabing himpilan sa pangunguna na rin ng kanilang Chief of Police na si PLt. Col Jonalyn Tecbobolan.

Top Performing Class B naman ang PNP Lal-lo sa pangunguna ni PMaj. Reymond-I Asistores habang ang PNP Camalanuigan sa pangunguna naman ni PCapt. Aleeh Bacuyag ang Top Performing Class C Police Station.

Mismong si Atty Ismael Manaligod, head ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Cagayan at si PCol. Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO ang nagbigay ng pagkilala sa mga nabanggit na himpilan na tinanggap naman ng mga Chief of Police.

Bukod dito, ginawaran din ang ilang Units ng PNP Cagayan para sa iba’t ibang kategorya sa Police Regional Office No 2.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan din ng pagkilala si Col Quilang mula sa PENRO dahil sa implementasyon ng OPLAN KILO o Kalikasan Laban sa Illegal Logging Operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng maraming kontrabandong kahoy at pagturn-over sa mga chainsaw na hindi rehistrado simula noong Nobyembre ng nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, hinikayat ni Gallardo ang ibang PNP Stations na ipagpatuloy lamang ang kanilang tungkulin lalo na sa pag-aresto sa mga indibiwal na may mga kinakahap na kaso. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.