Sinibak na sa pwesto ang tatlong pulis na sangkot sa pananakit ng kanilang kliyente sa loob ng Pasuquin Municipal Police Station sa Ilocos Norte.

Ayon kay Police Major Sheryll Guzman, Acting Chief ng Provincial Community Affairs and Development Unit ng Ilocos Norte, sinibak din ang hepe ng Pasuquin MPS dahil sa command responsibility.

Ang mga pulis ay maaaring maharap sa kasong Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Ang insidente ay iniimbestigahan na ng Ilocos Norte Police Provincial Office.

Ang mga pulis ay sinasabing nanakit ng isang lalaki na humingi ito ng tulong kasama ang pamilya sa istasyon matapos siyang atakihin ng hindi pa nakikilalang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit sa halip na matulungan, sila umano ay nakaranas ng karagdagang karahasan mula sa mga pulis.

Dahil sa insidente, nanawagan ang grupong pangkarapatang pantao at mga mamamayan ng isang patas at masusing imbestigasyon, gayundin ang mabilis na pagsasampa ng kaukulang kasong administratibo at kriminal laban sa mga sangkot na pulis.