Nagagamit na ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang bagong district jail na isinailalim sa renovation sa bayan ng Roxas, Isabela.

Dahil dito ay balik na ang mahigit 100 Person Deprived of Liberty (PDL) sa bagong patayong Roxas District Jail na pansamantalang inilipat sa Ilagan at San Mateo District Jail.

Ayon kay Jail Senior Supt. Lydon Torres, director ng BJMP RO2 na nagkakahalaga ng P13.1 milyon ang bagong jail facility na may layuning mabawasan ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga piitan.

Ipinagmalaki rin ni Torres ang walong seldang feature ng tatlong palapag na pasilidad sa kulungan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Torres ang kahalagahan ang kahalagahan ng responsibilidad ng mga jail administrators upang makamit ang positibong transformation ng mga PDLs.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag niya na kailangang masiguro na makabalik sa tuwid na landas ang mga PDLs sa pamamagitan ng maayos na pasilidad.