TUGUEGARAO CITY-Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang militia ng bayan at dalawang taga-suporta ng New Peoples Army (NPA)sa bayan ng Benito Soliven at San Mariano, Isabela nitong nakalipas na araw.
Sa tulong kasundaluhan at kapulisan, nagbalik loob ang lider ng militia ng bayan na si “alyas kaloy” na naatasang secretary ng CPP local party branch at si “alyas Tomas at Alyas geroy” na taga suporta ng komunistang NPA.
Ang pagsuko ng tatlo ay resulta ng mahigpit na pagpapatupad ng pamahalaan sa executive no.70 Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC)sa rehiyong Cagayan valley sa rehiyong cagayan Valley.
Dala-dala ng tatlo ang ilang matataas na calibre baril na kinabibilangan ng isang US m1 carbine na may isang magazine at limang bala, M653 rifle at isang m16 rifle.
Sa naging salaysay ng mga nagbalik loob sa kasundaluhan, ang mga dala nilang baril ay ipinagkatiwala sa kanila ng mga miembro ng Regional Centro De Gradibidad komiteng rehiyong Cagayan Valley.
Anila, minabuti nilang magbalik loob sapagkat naramdaman umano nila ang katahimikan sa kanilang bayan ng mawala ang presensiya ng NPA at ang taos pusong pagtulong ng gobyerno na maituwid ang kanilang pamumuhay.
Kaugnay nito pinuri ni major general Pablo Lorenzo, commander ng 5ID phil. army ang naging tamang desisyon ng mga nagbalik loob at hinikayat na rin niya ang mga aktibong miembro ng NPA na sumuko na sa pamahalaan
Sa ngayon, inaayos na ang mga dikumento ng tatlo para mapabilang sa mga mabibigyan ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).