Arestado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Quezon City ang mag-asawa at isa pang kasabwat na itinuturong responsable sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang nitong anak.

Kabilang sa mga suspek ang isang dating pulis at ang misis nitong car agent na umano’y ka-transaksyon ng biktima sa bentahan ng sasakyan.

Naging mahalagang ebidensya sa kaso ang mga blood traces na natagpuan sa bahay ng mga suspek sa Novaliches.

Batay sa imbestigasyon, carnapping at pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang dalawa na nahaharap sa mga kasong double murder at carnapping.

-- ADVERTISEMENT --