TUGUEGARAO CITY- Tatlumpung (30) confirmed cases ng covid-19 ang ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief na sa nasabing bilang 25 ang mula dito sa Cagayan.

20 ang mula dito sa iba’t ibang barangay sa Tuguegarao, isa sa Masical, Amulung, Isa sa Dalaoig, Alcala, isa sa Redondo, Iguig at isa sa Centro, Tuao.

Apat naman ang mula sa Isabela at 3 naman ang galing sa Kalinga,karamihan ay mula sa Lay-asan, Tanudan.

Idinagdag pa ni Baggao na siyam naman ang suspected, karamihan ay dito sa Cagayan, dalawa sa Isabela at isa sa Apayao.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na moderate lang ang symptoms ng mga nasabing pasyente.

Kasabay nito, sinabi niya na kaya pa ng CVMC na I-accomodate ang mga pasyente ng covid-19