CTTO

TUGUEGARAO CITY- Isinailalim sa quarantine ang 30 frontliners ng City Disaster Risk and Reduction Management Office sa Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa CDDRMO, ang mga ito ay nagkaroon ng close contact sa dalawa nilang katrabaho na nagpositibo sa covid-19.

Ang dalawa naman ay na-expose sa kauna-unahang covid-19 positive case sa Tabuk City na galing ng Metro Manila.

Ang mga nasabing frontliners ang naatasang mag-disinfect sa mga commuters na galing sa ibang lugar at ang iba naman ay mga driver ng sasakyan na sumusundo sa mga bumabalik ng lungsod.

Dahil dito, iminungkahi na magsuot na rin ang mga personal protective equipment upang matiyak na hindi sila mahahawa ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa pagkaka-quarantine ng ilang frontliners ay nabawasan na ang mga nakatalaga sa quarantine checkpoint sa Talaca, Tabuk.

Bukod dito, may ilang frontliners na rin ang ayaw nang mag-duty dahil sa takot na sila rin ay mahawaan.

May anim na confirmed covid-19 patients na ang Tabuk City kung saan ang apat sa kanila ay ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.