TUGUEGARAO CITY-Nagpadala ng 30 indibidwal na binubuo ng tatlong team ang department of social welfare ang development (DSWD)-Region 2 bilang augmentation sa DSWD 4A para matugunan ang mga pangangailangan ng mga bakwit dahil sa pag-alburuto ng bulkang Taal.

Ayon kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-region 2, kasalukuyang nasa Calaca, Batangas ang kanilang team at una na rin umano silang nagsagawa ng meeting ukol sa kanilang gagawin.

Aniya, ngayong araw ay mag-iikot ang kanilang team sa iba’t-ibang evacuation centers para tignan ang sitwasyon at magbigay ng tulong sa mga evacuees.

Bukod dito, sinabi ni Trinidad na may mga social workers na mag-iikot sa mga evacuation centers para magbigay ng tulong lalo na ang mga nangangailangan ng psychosocial assistance dahil sa nararanasang pag-alburuto ng bulkang Taal.

Magtatagal ang kanilang team hanggang sa araw ng sabado at kung sakali umano na hindi magiging maganda ang sitwasyon ng bulkan hanggang sa nasabing araw ay muling magpapadala ang kanilang opisina ng ibang team na papalit sakanila.

-- ADVERTISEMENT --

samantala, sinabi ni Trinidad na umaabot na umano sa P3M ang naibigay na tulong ng DSWD Region 2 para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.