Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na magkakaroon ng malawakang imbestigasyon ang Philippine National Police sa mga isinagawang operasyon laban sa iligal na droga buhat noong 2016.

Ito ay kasunod ng pinakahuling kautusan na sampahan ng kasong kriminal ang nasa 30 mga pulis kaugnay sa pagkakakumpiska ng 900 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion sa serye ng mga anti-drug operations sa Manila.

Ipinaliwanag ni Remulla, ang kanilang teorya, at hindi pa napapatunayan, na dahil sa reward system sa mga PNP personnel na nagsimula noong 2016, hindi umano nire-report ang mga nakukumpiskang mga droga at dahil may reward, kukuha sila ng tingi na itatanim na ebidensiya sa target ng operasyon para sa pabuya, accomplishment at promotion.

Kabilang sa 30 na sinampahan ng kasong kriminal sa Department of Justice na mga pulis ay dalawang heneral na sangkot sa pagtatanim ng ebidensya at unlawful arrest sa isinagawang drug raid sa Maynila noong October 2022.

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang mga sumusunod:
1)PLTGEN Benjamin D. Santos, Jr.
2) PBGEN Narciso D. Domingo
3) PCOL Julian T. Olonan
4) LTCOL Dhefry A. Punzalan
5) PLT Jonathan G. Sosongco
6) PMSG Carlos C. Bayeta
PAT Hustin Peter A. Gular
8)PAT Rommer I. Bugarin
9)PAT Hassan O. Kalaw
10) PAT Dennis L. Carolino
11) PCPL Joshua Ivan Baltazar
12) PAT Nathaniel Gomez
13) PLT Ashrap T. Amerol
14) PSMS Jerrywin H. Rebosora
15) PSMS Marian E. Mananghaya
16) PMSG Lorenzo S. Catarata
17) PSSG Arnold D. Tibay
18) PCOL Arnulfo G. Ibañez
19) PLTCOL Glenn C. Gonzalez
20) PMAJ Michael Angelo C. Salmingo
21) PLT Randolph A. Piñon
22) PAT Mario M. Atchuela
23) PAT Windel C. De Ramos
24) PLT Silverio P. Bulleser I I
25) PCMS Emmanuele E. Docena
26) PMSG Alejandro F. Flores
27) PCPL Jhan Roland L. Gelacio
28) PAT James G. Osalvo
29) PAT Darius R. Camacho
30) PMSG Rodolfo B. Mayo

-- ADVERTISEMENT --