LtCol George Cablarda of PNP Tuguegarao

TUGUEGARAO CITY – Nakuha ng Tuguegarao City Police Station ang pinakamataas na rating matapos nitong mahigitan ang ibang police units sa lalawigan ng Cagayan sa isinagawang Performance Governance System Proficiency Stage Conferment and Awarding Ceremonies.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Capt. Arlyn Javier, chief provincial management strategy unit, na nakuha ng PNP-Tuguegarao sa pangunguna ni Police Lt. Col. George Cablarda ang “Gold Eagle Award” na iginagawad sa PNP unit na may kabuuang rating na 96 hanggang 100% sa ikatlong bahagi ng PNP Performance Governance System (PGS).

Hinigitan ng Tuguegarao PNP sa naitalang rating na 98.40% ang pumangalawa na Peñablanca Police Station na nakakuha ng 98.22% rating.

Samantala, pumangatlo naman ang Solana Police Station na may 97.47% na sinundan ng Sta Teresita Police Station sa 97.18%, Camalaniugan Police Station na may 97.09%, Abulug Police Station na may 97.07%, Lal-lo Police Station na maya 96.88%, Amulung Police Station na may 96.79%, Enrile Police Station na maya 96.29% at Sanchez Mira Police Station na may 96.03%.

Habang nakakuha ng Silver Eagle Award ang Provincial Mobile Force Company, at mga police Units sa bayan ng Alcala, Aparri, Baggao, Buguey, Calayan, Gattaran, Gonzaga, Sta. Ana, Allacapan, Ballesteros, Claveria, Lasam, Pamplona, Sta. Praxedes, Iguig, Piat, Rizal, Sto. Niño, at Tuao.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Javier na noong September 2018, nag-iisang nakuha ng Cagayan Police Provincial Office ang Gold Eagle Award sa mga nakatunggaling provincial offices sa rehiyon dos.

Kasabay ng pagkilalang natanggap, hinikayat ang mga pulis na itaas ang integridad sa implementasyon ng PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030 at panatilihin ang maayos na pakikitungo sa komunidad.