TUGUEGARAO CITY-Nasa 30 Public Utility Vehicles (PUV) drivers ang sumailalim sa drivers Academy Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)region 2.

Napag-alaman sa LTFRB region 2 na ang nasabing bilang ay ang mga drivers ng pampasaherong van, jeep at bus dito sa Cagayan.

Ang drivers academy ay binibigyan diin ang road safety para makaiwas sa aksidente sa lansangan.

Kaugnay nito, sumasailalim sa examinasyon ang mga PUV drivers para malaman kung may natutunan ang mga drivers.