TUGUEGARAO CITY-Nagpadala ng tatlong daang family food packs ang Department Social Welfare and Development (DSWD)sa limang bayan ng Kalinga bilang tugon sa kahilingan ni Governor Ferdinand Tubban.
Magsisilbing stockpile ang mga naturang family food packs na gagamitin kung kukulangin ang mga relief goods para sa mga residente sa bayan ng Pasil, Lubuagan, Tinglayan, Tanudan at Balbalan.
Ayon kay Erlinda Taquiqui, team leader ng SWAD o Social Welfare and Development ng Kalinga na pahirapan ang pagbiyahe ng mga relief goods sa mga nasabing lugar dahil sa mga insidente ng landslide kung tuloy-tuloy ang buhos ng ulan kung mayroong bagyo.
Dahil dito, agad na tumugon ang ahensiya sa kahilingan ng gobernador kasunod ng naranasang Bagyong “Ramon” na pinalala ng Bagyong “Sarah”.
Inalala nito ang kanilang karanasan sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong “Ompong” nitong nakalipas na mga taon kung saan kailangan pa silang gumamit ng chopper sa pagdala ng mga relief goods matapos na ma-isolate ang upper kalinga dahil sa mga insidente ng landslide. with reports from Bombo Marvin Cangcang