TUGUEGARAO CITY- 32 na detainees kabilang ang 2 menor de edad ang nagpositibo sa covid-19 sa PNP Tuguegarao City.

Ito ay batay sa report ni Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer ng Cagayan sa kanilang management committee meeting kaninang umaga.

Ang datos ni Cortina ay mula sa testing center ng Cagayan Valley Medical Center.

Unang nagpositibo ang 4 na detainees, nadagdagan ng 15 kahapobn at 13 ngayong araw.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga nasabing detainees ay nahawa sa mga pulis na unang nagpositibo sa virus.

Dalawamput 24 naman na pulis ng PNP Tuguehgarao ang nagpositibo na rin sa covid-19 kabilang ang kanilang chief of police at deputy.

Sa ngayon ay nananatili ang ibang pulis at mga detainees sa Tuguegarap PNP building.