Bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa high-speed rail project sa Thailand na nagresulta sa pagkadiskaril ng tren, kung saan 32 katao ang namatay.

Iniwan ang crane sa malalaking concrete pillars habang patuloy ang ginagawang paghahanap ng rescuers sa mga nawawalang katao sa nadiskaril na carriages ng tren sa Nakhon Ratchasima province.

Ang kumpanya na kinuha para gumawa ng ilang bahagi ng high-speed rail kung saan nahulog ang crane, ang Italian-Thai Development, isa sa pinakamalaking construction firm sa Thailand, ay nagkaroon ng mga aksidente sa projects sites nito sa mga nakalipas na taon.

Tiniyak ng kumpanya na magbibigay ito ng kompensasyon sa pamilya ng mga namatay at sa mga nasugatan, at babayaran ang kanilang gastos sa ospital.

Nangyari ang aksidente sa construction site na bahagi ng mahigit $5 billion project na suportado ng China na gumawa ng high-speed rail network sa Thailand.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin nito na idugtong ang Bangkok sa Kunning sa China via Laos sa 2028 bilang bahagi ng malawak na Belt and Road infrastructure initiative.

Kaugnay nito, sinabi ng Transport Minister ng Thailand na pananagutin ang lahat na sangkot sa nasabing aksidente, kabilang ang Italian-Thai at Chinese consultancy company.

Ayon naman sa state rail operator ng Thailand, bubuo sila ng fact-finding committee sa loob ng 15 araw para panagutin ang mga responsable sa nasabing insidente