32 porsiyento pa lamang ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa 2026 ang na-award, ayon kay Secretary Vince Dizon.

Sa mahigit 17,000 proyekto na may kabuuang P459.89 bilyong pondo, nasa 7,467 proyekto pa lamang na nagkakahalaga ng P146.41 bilyon ang na-award.

Ayon kay Dizon, kabilang sa mga dahilan ng pagkaantala ang mas mahigpit na requirements, late release ng pondo at hindi pagsasagawa ng early procurement.

Gayunman, kumpiyansa si Dizon na aabot sa mahigit 80 porsiyento ang mga proyektong ma-award pagsapit ng katapusan ng Setyembre.

-- ADVERTISEMENT --