TUGUEGARAO CITY-Walong Persons Under investigation o PUI na naka-confine sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC ang nag-negatibo sa covid-19.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng cvmc hinihintay pa ang resulta ng swab test ng 32 pui’s .

Matatandaan na nitong araw ng Lunes ay 12 sa 46 na pui’s ang negatibo sa virus ang lab test.

May 34 na lang sana na pui’s sa cvmc pero may mga naidagdag na bagong na-admit kahapon.

Dahil dito, kung ibabawas ang walong nagnegatibo, 32 ang bilang ng kabuuang pui’s na inaaasikaso sa cvmc.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, umapela naman si Dr. Baggao sa mga Brgy officials at mga may ari ng bahay paupahan kung saan nakatira ang ilang frontliners mula sa cvmc na patuluyin ang mga ito.

Ayon kay Baggao may ilang nurses mula sa cvmc ang hindi umano pinapayagan makapasok sa ilang brgy at may ilang nagpaparenta ang pinagbawalang umuwi sa kanilang inuupahang bahay ang ilang nurse sa cvmc dahil ikinokonsidera na umano silang PUM o person under monitoring./ with reports from BOMBO Marvin Cangcang