Aabot sa 34 na estudyante at 16 na guro ng Abuyo National HighSchool ang nahulog matapos bumagsak ang dinadaanang hanging bridge sa bayan ng Alfonso Castaneda.
Ayon kay PMAJ Glanery Cabeliza chief of police ng Pnp Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya, tatlo ang dinala sa ospital, 11 ang isasailalim sa x-ray, 14 ang nagtamo ng minor injuries, 2 ang sasailalim sa ct scan habang 3 naman ang hindi nasugatan.
Lumalabas sa imbestigasyon na hindi umano kinaya ng hanging bridge ang sabay sabay na pagdaan ng mga estudyante at guro dahilan upang
matanggal ang cable wire nito na kinapitan mismo ng bakal.
Ayon kay Cabeliza, magsasagawa sana ng school intramurals ang mga estudyante kung kaya’t sabay sabay dumaan ang mga ito sa nasabing tulay.
Ang nasabing tulay ay may haban 60 metro at 3 metro ang taas na ginawa pa noong taong 2015 na nagkokonekta sa Sitio Chogan.
Napag alaman na maliban sa hanging bridge ay mayroon ring overflow bridge sa nasabing lugar ngunit dahil inabot ng konting tubig sa ilog ay dumaan sa nasabing tulay ang ilang mga estudyante.