TUGUEGARAO CITY-Nagnegatibo ang 34 na PUI o Patients Under Investigation (PUI) ng Coronavirus disease (covid-19) habang isa na lamang ang inoobserbahan sa Region 2.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH)-Region 2, umabot sa 35 na PUIs ng Covid-19 sa Rehiyong dos mula Enero 31,2020 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Pauline Atal ng Department of Health (DOH)-Region2, pinakahuling PUI ang tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bayan ng Alicia at Nanguillan sa Isabela at Santa fe, Nueva Vizcaya.

Aniya, negatibo sa covid-19 ang ofw na mula sa Nanguillan na galing sa Hongkong at ang OFW na mula sa Santa fe na galing naman sa Taiwan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Atal ang mga mamamayan na panatilin ang kalinisan sa katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain para makaiwas sa anumang sakit.

-- ADVERTISEMENT --