
Dumating sa Pilipinas ang 343 Pilipino mula sa Middle East nitong Linggo sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon at kaguluhan sa rehiyon.
Sakay sila ng chartered flight ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bandang alas-7 ng umaga.
Ayon kay OWWA Administrator PY Caunan, ang mga repatriate ay mula sa Bahrain at sa mga lungsod ng Al Khobar at Riyadh sa Saudi Arabia.
Marami sa mga umuwi ay itinuring na “distressed Filipinos” na nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan habang nasa kanilang host country at naghihintay ng repatriation.
Patuloy namang mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Middle East at nakahandang magbigay ng tulong sa mga nais umuwi ng bansa.










