Nakakuha ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng pag-aproba mula sa korte para i-freeze ang bank accounts ng maraming indibidual na inaakusahan ng korupsion sa government flood control projects.
Layunin nito na mapigil ang paggalaw ng mga nakaw na public funds at mabawi ang pera na posibleng inilipat na.
Sinabi ni Matthew David, executive director of the AMLC, ipinagkaloob ng Court of Appeals ang freeze order sa 135 bank accounts at 27 insurance policies na may koneksion sa mga indibidual at mga kumpanya na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Nag-ugat ang desisyon sa petisyon na inihain sa AMLC sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Solicito General.
Ang tugon ng AMLC ay sa sulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na humiling ng tulong sa paghahain ng petisyon para sa pag-freeze sa mga account.
Laman ng sulat ang mga pangalan ng 20 opisyal ng DPWH at anim na pribadong kontratista, kabilang ang kasalukuyang iniimbestigahan ng Senate blue ribbon committee dahil sa mga maanomalyang flood control projects.
Kabilang sa listahan ang tinatawag na “BGC Boys,” na sinasabing nagpatalo ng bilyong-bilyong piso sa casinos.
Sila ay sina Bulacan district engineer Henry Alcantara at kanyang assistant Brice Hernandez, construction unit head Jaypee Mendoza, at project engineer Arjay Domasig.
Ang mga contractors naman ay sa listahan ay sina Ma. Roma Angeline Rimando ng St. Timothy Construction Corp.; Pacifico “Curlee” and Cezarah “Sarah” Discaya ng St. Timothy Construction; Mark Allan Arevalo, general manager of Wawao Builders; Sally Santos, may-ari at manager of SYMS Construction Trading, at Robert Imperio, may-ari at manager of IM Construction Corp.