Nailigtas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang 34 Indonesian nationals at isang Chinese mula sa illegal Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo).

Sinabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio, ang mga dinukot na mga dayuhan ay nailigtas sa tulong ng Indonesian Embassy sa bansa matapos na makatanggap ang ahensiya ng distress message mula sa isang Indonesian national kahapon ng hapon.

Ito ay nagresulta sa agad na paghuli sa babaeng Chinese na si Liu Meng, na ayon kay Casio ay kilalang personalidad sa Pogo sector sa ParaƱaque City.

Naaresto din ang dalawa pang hindi pa nakikilalang dalawang Chinese nationals at isang Malaysian.

Ayon kay Casio, sinabi ng mga Indonesian na dati rin silang Pogo workers, kung saan natapos umano ang kanilang kontrata noong January 21, 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Casio na nagsabi sila na babalik na sila ng Indonesia, subalit hindi umano sila pinayagan ng kanilang boss na si Liu Meng, at kinuha ang kanilang pasaporte.

Dahil dito, sinabi ni Casio na ito ay malinaw na kaso ng human trafficking.

Batay sa testimonya ng mga Indonesian, na pinag-loan pa sila ni Liu ng P50,000 hanggang P100,000 para makuha ang kanilang travel documents.

Sinabi pa ni Casio na may itinatago pa umano ang grupo ni Liu na isang Chinese national sa safehouse sa condominium sa ParaƱaque City.

Ayon kay Casio, desidido ang ang 13 sa mga biktima na ituloy ang reklamong kriminal laban kay Liu.