Umabot na sa 35 ang bilang ng mga namatay sa may 7,786 na kaso ng dengue sa Cagayan Valley base sa datos ng Department of Health mula Enero hanggang Agosto-5, 2019.
Ayon kay Dr. Rio Magpantay, regional director ng DOH-RO2 na sa lalawigan ng Isabela ay labing walo na ang namatay sa 2,933 na kaso, na sinundan ng Cagayan sa labing-lima sa 3,324 na kaso at Quirino na nakapagtala ng dalawang patay sa 720 na kaso.
Habang wala namang naitalang namatay sa Nueva Vizcaya sa naitalang kaso na 801 at Batanes sa walong kaso.
Kaugnay nito, hinimok ni Magpantay ang publiko na makiisa sa muling inilunsad na sabayang “4-oclock habit para sa deng-get out” kaugnay sa “search and destroy” araw-araw pagsapit ng alas 4:00 sa mga posibleng pinupugaran ng lamok na may dala ng dengue.
—with reports from Bombo Bernadette Heralde