Umabot sa 350 Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang nagtapos ng Basic Military Training (BMT) sa 5th Division Training School, 5th Infantry Division, Philippine Army nitong araw ng Martes.

Ayon sa 5th Infantry Division na nahati sa anim na klase ang mga nagsipagtapos ng BMT na CL-12, 13, 14, 15, 16 at 17-2024 na mula sa ibat-ibang probinsya na nasasakupan ng area of operations ng 5th Infantry Division.

Nabatid na pinangunahan ni MGen Gulliver Señires, commander ng 5th Infantry Division na siyang nagsilbing Keynote Speaker sa nasabing seremonya.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni Señires ang kahalagahan ng CAFGU at bilang bagong enlisted personnel ng Laang Kawal ng Bansa.

Ayon sa opisyal na ang mga naturang cafgu ay may malaking bahagi sa Integrated Territorial Defense System at isang puwersang handang tumugon sa ibat-ibang hamon mula sa Humanitarian Assistance and Disaster Response at maging sa pambansang depensa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinanay ang mga ito sa ibat-ibang taktika ng pakikipaglaban at maging sa mga kinakailang kasanayan sa pagtugon mula sa ibat-ibang kalamidad na nararanasan ng ating bansa.

Nakatanggap din ng maagang pamaskong regalo mula sa kasundaluhan ang mga nagtapos ng naturang pagsasanay.