Pinangunahan ni PBGEN Jose Mario Espino ang panunumpa ng 350 bagong police recruits sa Police Regional Office 2 (PRO2) Grandstand sa Cagayan nitong Biyernes, August 23.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Espino na bilang alagad ng batas at pagmamay-ari ng gubyerno, sila ay inaasahang aalagaan ang sinumpaang tungkulin sa pagseserbisyo sa publiko.

Hinimok ng police director ang mga recruits na gawin ang bawat hamon na naaayon sa batas at suwayin ang mga bawal na utos na makasisira sa organisasyon.

Ang bagong recruits ay binubuo ng 68 kababaihan at 282 kalalakihan na ipadadala sa Regional Training Center upang sumailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course at matapos nito ay ang Field Training Program para sa panibagong anim na buwan bago sila tuluyang i-deploy sa field.