Mahigit 300 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nadagdag sa Cagayan Valley, ayon sa Department of Health Region 2 nitong Martes.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH-RO2, 331 ang panibagong kaso ng tinamaan ng virus sa rehiyon.
Nakapagtala naman ng 258 na mga bagong gumaling kung saan umakyat na sa 28,861 ang total recoveries.
Tumaas naman sa 696 ang death toll matapos maiulat ang 37 na pagkamatay dahil sa respiratory illness.
Dahil sa mga gumaling at namatay, nasa 4,885 ang active COVID-19 cases sa rehiyon dos mula sa 34,272 na bilang ng tinamaan ng nakamamatay na virus.
-- ADVERTISEMENT --