Idineklara ng Pamahalaang panlungsod ng Tabuk sa pamamagitan ng City Veterinary Services Office na ASF-free na ang 38 barangay sa Tabuk City, Kalinga.

Batay sa ulat ng City Veterinary office, nakasunod ang mga barangay na ito sa mga kinakailangan at protocol ng Department of Agriculture na kinikilala ng DA Regional Field Office.

Ayon kay City Veterinarian Carmen Wanas, maliban sa limang barangay na kinabibilangan ng Agbannawag, Cudal, Bado Dangwa, San Julian, at Bulanao ay walang naitalang kaso ng ASF sa mga nasabing barangay sa loob ng 90-araw na clearing process.

Ang City Veterinary Services Office ay kasalukuyang naghihintay sa resulta ng laboratory testing upang matukoy kung maari nang ideklarang ASF-free ang lima pang barangay na natitira.

Namahagi rin ang Veterinary Office ng ASF rapid test kits at disinfectants sa lahat ng 38 barangay bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya laban sa ASF.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang noong Nobyembre 2023, idineklara ng lungsod ang state of calamity dahil sa ASF, na nagbigay pahintulot sa paggamit ng P779K quick response fund kng saan ginamit ito para sa pagbili ng disinfectants at iba pang mga kagamitan upang tuluyang masugpo ang ASF sa lungsod.

Nagpahayag namn ng pasasalamat si Dr. Wanas sa Department of Agriculture Cordillera, Philippine National Police, City Public Order and Safety Office, CDRRMO, SP, at iba pang mga tanggapan at ahensyang tumulong sa CVET upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa lungsod.