Nasa 38 ang namatay matapos na bumagsak ang Azerbaijan Airlines passenger plane malapit sa Aktau, Kazakhstan.

Ang nasabing eroplano na may 62 na pasahero at limang crew members ay bumagsak matapos na mapilitan na magsagawa ng emergency landing malapit sa Aktau.

Papunta sana ang Embraer 190 aircraft sa lungsod ng Grozny sa Russia mula sa Baku, ang kabisera ng Azerbaijan.

May ipinadala na invetigative team, na pinangunahan ng deputy prosecutor general ng Azerbaijan sa Kazakhstan at nagtatrabaho na sa crash site.

Kaugnay nito, sinabi ng Azerbaijan Airlines na suspindido muna ang lahat ng flights mula Baku papuntang Cechnya region hanggang sa matapos ang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa paunang imbestigasyon, himiling umano ang eroplano ng landing sa alternatibong paliparan bago ang aksidente dahil sa matinding hamog sa Grozny.

Ayon naman sa aviation watchdog ng Russia, batay sa preliminary information, nagpasiya ang mga piloto na magsagawa ng emergency landing matapos ang bird strike.