Tinatayang umabot sa 38 ang namatay mula sa Horn of Africa matapos na tumaob ang kanilang barko sa coast of Yemen.
Sinabi ng mga survivors na ang barko na may lulan ng nasa 250 na katao ay tumaob dahil sa malakas na hangin.
Kasalukuyan na ang ginagawang paghahanap sa halos 100 na nawawala.
Sinabi ng mga local authorities sa Rudum, Aden, ang mga sakay ng barko ay migrants, karamihan mula sa Ethiopia na ginagamit ang yemen bilang transit point para makarating sa Gulf states.
Sinabi ni Hadi Al-Khurma, director ng Rudum district na tumaob ang barko bago makarating sa dalampasigan.
-- ADVERTISEMENT --
Nagawa naman ng mga mangingisda at mga residente na mailigtas ang 78 na sakay ng barko at sila ang nagsabi na nawawala ang nasa 100.