Umabot sa P42 million innovation fund o IFund ang ipinagkaloob ng Department of Science and Technology o dost region 2 sa 38 micro, small and medium enterprises o MSME’s bilang pagkilala sa mahalagang papel sa ekonomiya ng Pilipinas ng naturang sektor.
Ang Small Enterprise Technology Upgrade Program (Setup) ng DoST ay nagsisilbing isa sa mga inisyatiba ng pamahalaan upang suportahan ang sektor ng negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong tulad ng pinansyal, regulatory reforms, skills development at market access.
Binigyang diin ni Rocela Angelica Gorospe, provincial director ng PSTC Quirino ang kahalagahan ng Setup program sa pagpapalakas ng MSMEs, na siyang backbones ng ekonomiya ng bansa.
Tampok sa aktibidad ang awarding ceremony kung saan ibinigay nina Sylvia Lacambra, assistant regional director (ARD) for field operations services, at PSTO Quirino PD Rocela Angelica Gorospe ang tulong ng iFund sa karapat-dapat na 38 Setup beneficiaries.