Kabuuang 39 indibidwal ang naaresto ng pulisya sa inilunsad na simultaneous at “One Time Big Time” operation sa lalawigan ng Cagayan nitong Martes, October 8.

Base sa datos ng pulisya, sinabi ni PCAPT Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office na kabilang sa naaresto ang labindalawang kabilang saTop Most Wanted mula sa bayan ng Solana, Tuao, Lasam, Sta Teresita, Amulung, Abulug, Baggao, Aparri, Claveria, Piat at Calayan.

Nadakip rin sa naturang operasyon ang labing-isang katao na most wanted sa ibat-ibang kaso sa bayan ng Peñablanca, Lasam, Lal-lo, Camalaniugan, Tuguegarao City, Iguig, Baggao, Gattaran ata Allacapan habang labing anim na katao ang nadakip sa paglabag sa Special Laws sa bayan ng Iguig, Camalaniugan, Tuao at Tuguegarao City at walo sa iba pang accomplishment.

Tanging ang PNP station mula sa bayan ng Alcala, Ballesteros at Enrile ang walang nahuli, subalit sinabi ni Mallillin na may mga accomplishments ang mga ito sa mga nakaraang kahalintulad na operasyon.

Ayon kay Mallillin, nakakulong ngayon sa ibat ibang himpilan ng pulisya ang mga nadakip na inaasahang magreresulta sa pagbaba ng crime volume lalo na sa pagkakahuli ng mga wanted sa batas.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi ng weekly basis na operasyon ang kampanya upang linisin ang buong lalawigan sa anumang kriminalidad.