Nakatakdang isagawa ang 3rd Online Sports Leadership Program (OSLP) National Sports Summit dito sa lungsod ng Tuguegarao mula Agosto 23 hanggang 25.
Sinabi ni coach noli ayo, founder ng oslp na layunin ng summit na pagsama-samahin ang mga sports enthusiast kabilang ang mga leaders at coaches ng sports upang sama-samang hubugin ang mga sports sa Pilipinas, isulong ang pagtutulungan at Olympic values para sa paglago ng isang komunidad .
Gaganapin ang tatlong araw na aktibidad kasunod ng makasaysayang panalo sa paris Olympics ni gymnast carlos yulo na naging double Olympic gold medalist ng bansa.
Ito ang unang pagkakataon na ang Tuguegarao City ay magho-host ng summit, isang pagtitipon ng mga international at local sports leaders, atleta, coach at estudyante.
Kabilang sa mga pangunahing bisita sa tatlong araw na kaganapan, sa pakikipagtulungan ni Tuguegarao City Councilor at former national beach volleyball player na si Charo Soriano at ng Philippine Olympians Association o poa sina dating Liberian-American football player na si AJ Koikoi at Soccer Without Borders o swb executive director Jennifer Tepper bilang tagapagsalita
Si Koikoi, na ngayon ay nakabase sa Japan, ay nagtatag ng Danketsu, isang organisasyon na gumagawa ng mga cross-cultural connections sa pamamagitan ng sports, na nagtataguyod ng pagkakaisa at pakikipagtulungan.
Nakatakdang ibahagi ni tepper sa naturang summit ang kaniyang mahigit dalawang dekada na karanasan bilang nonprofit executive, business development at fundraising strategist, expert lalo na sa usapin ng equity at pagsasama sa pamamagitan ng football.
Napag-alaman na Bago sumali sa SWB, si Tepper ay isang Executive Director ng D.C. Language Access Coalition, at humawak ng iba’t ibang tungkulin sa ibang mga organisasyon.
Inaasahan din ang pagdalo nina two-time Olympian at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, dating Muaythai Association of the Philippines Secretary General at Philippine Olympic Committee Board Member Pearl Managuelod, at Belgium sports professional Ilse Vanhoorelbeke.
Si Buhain, na kasalukuyang secretary-general ng Philippine Aquatics Inc., ay kumatawan sa bansa sa 1988 Seoul at 1992 Barcelona Olympic Games.
Itinataguyod ni buhain bilang dating Philippine Sports Commission at chairman ng Games and Amusements Board ang sports at serbisyo publiko.
Mahalaga naman ang papel ni managuelod sa pag-unlad ng katutubo at suporta ng mga atleta sa bansa. Siya ay kilala sa pagbabago pamumuno at strategic sports management.
Itatampok din ng OSLP Summit ang paglulunsad ng Winds of Change Project, bukod sa open forum at panel discussion at story circle sa mga kalahok.
Ang oslp ay itinatag nina Three-time Olympian and POA President Akiko Thomson-Guevara, na nakatanggap kamakailan ng “Olympian for Life” na pagkilala mula sa World Olympians Association sa OLY House Paris 2024, na iprinesent ni HRH Prince Albert II ng Monaco, at ng PSC Coordinator for Mindanao at assistant to the President of the Lyceum of the Philippines University noli ayco
Ang Puerto Princesa City sa Palawan ang naging host ng unang dalawang OSLP summits.
Nitong nakalipas na araw ng biyenes ay bumisita ang mga founder ng OSLP summit dito sa lungsod ng Tuguegarao kung saan tinalakay sa mga kinatawan ng mga Kabataan at media ang layunin ng aktibidad.
Inaasahang lalahukan ng 250 partisipanti mula sa mga Kabataan at estudyante kung saan gaganapin ito sa Cagayan state university.
Suportado rin ni dating Tuguegarao city mayor atty Jefferson Soriano ang aktibidad kung saan siya ngayon ang regional director ng Samahan ng basketball ng pilipinas o sbp.