Nasagip ng Women and Children Protection Center–Visayas Field Unit (WCPC-VFU) ang apat na menor-de-edad na biktima ng online sexual exploitation sa isinagawang operasyon nitong linggo.

Kabilang sa mga nasagip ay tatlong batang babae na may edad 15, 14, at 6, at isang 15-anyos na batang lalaki.

Inaresto rin ang kanilang 33-anyos na ina matapos maglabas ng search warrant si Judge Benison Mahawan ng RTC Branch 65, Talisay City.

Ayon sa mga imbestigador, lima ang nakumpiskang cellphone na umano’y ginamit sa pagre-record sa mga bata habang hubad.
Ang operasyon ay isinagawa kasama ang DOJ, DSWD, at regional anti-cybercrime unit.

Nanggaling umano sa mga banyagang partner ang impormasyon kaugnay ng ilegal na aktibidad.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ang ina sa kasong paglabag sa RA 11930 (OSAEC Law) at RA 9775 (CSAEM Law).

Sumailalim sa stress debriefing ang mga bata at nasa kustodiya na ng DSWD.