Apat na katao ang dinakip ng pulisya dahil sa aktong pangunguryente ng eel o igat, gamit ang ipinagbabawal na electro-fishing device sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Nakilala ang mga nahuling suspek na sina Noel Baliuag, 42-anyos; Bienvenido Furigay, 33-anyos; Daniel Fronda, 32-anyos at Watson Catalon, 28-anyos na pawang mga magsasaka at residente sa magkakahiwalay na barangay sa bayan ng Sto. NiƱo, Cagayan.

Sa ulat ng PNP-Rizal, naaktuhan ng pulisya ang mga nahuling suspek na nangunguryente ng isda nang walang otorisasyon sa paggamit ng electro-fishing paraphernalia sa isang sapa sa Sitio Cagurungan, Brgy. Gaddangao.

Nakumpiska sa mga ito ang gamit na electro-fishing device at ang mga hinuling igat na tinatayang nasa 30 kilograms at nagkakahalaga ng 4,200.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang apat at nahaharap sa kasong illegal fishing.

-- ADVERTISEMENT --