Tuguegarao City- Isinailalim sa mandatory quarantine at swab testing ang 4 na kawani ng LGU Enrile matapos magpositibo sarapid anti-body testing na isinagaw ng naturang tanggapan.

Sa panayam kay Mayor Miguel Decena, bahagi ng kanilang paghahanda sa magiging implimentasyon ng Modified General Community Quarantine ay naglabas siya ng Executive order na naglalayong sumailalim sa rapid anti-body test ang lahat ng kawani ng LGU Enrile.

Ito ay upang matiyak ang kanilang kahandaan at kaligtasan ng kawani at mga residente sa kanilang bayan laban sa banta ng COVID-19.

Kaugnay nito ay ipinaliwanag pa ng alkalde na hindi pa confirmatory ang resulta ng rapid anti-body testing kung kaya’t dadaan pa ito sa iba pang pagsusuri upang malaman kung positibo sa virus ang 4 na kawani.

Sinabi nito na nasa isolation facility na ng LGU Enrile ang tatlo at ang isa naman ay naka home quarantine habang nagsagawa na rin ng disinfection sa lahat ng pasilidad ng kanilang munisipyo.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman ni Mayor Decena na hindi pababayaan ng LGU Enrile ang kanilang mga kawani maging ang mga residente laban sa banta ng sakit.

Sa ngayon ay lalo pang hinigpitan ng LGU Enrile ang mga ipinatutupad na safety protocols sa pagpasok at paglabas ng lahat ng magtutungo sa kanilang munisipyo.