TUGUEGARAO CITY – Hindi na nakabato ang apat na miyembro ng pamilya matapos na umano’y malunod sa isang irigasyon sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Ayon kay P/Master Sgt Romel Damagan, imbestigador ng PNP Amulung na unang nadiskubre ng tatlong magkakapatid ang bangkay ng kanilang ama na si Angel Bangloy, 47 anyos na pinaniniwalaang nalunod sa irigasyon na may lalim na pitong talampakan sa Barangay Masical.

Sinubukan umanong iahon ng magkakapatid ang bangkay ng kanilang ama na nasa butas ng spill drive subalit nabigo ang mga ito at nalunod din.

Sinasabing nalunod sa ilog ang tatay ng mga biktima matapos na di umano’y madulas sa irigasyon o patubig.

Nilinaw naman ni Damagan na hindi maituturing na election related incident ang pagkamatay ng mag-aama.

-- ADVERTISEMENT --