
Nasawi ang apat na katao habang sugatan naman ang sampu matapos tamaan ng Israeli strike ang isang apartment sa loob ng Ramada hotel sa gitna ng Beirut, ayon sa health ministry ng Lebanon.
Ito ang kauna-unahang pag-atake sa kabisera mula nang muling magsimula ang labanan sa pagitan ng Israel at Hezbollah noong nakaraang linggo.
Ang hotel ay tinutuluyan ng mga pinalikas mula sa digmaan sa timog Lebanon at sa mga katabing lugar ng Beirut. Marami ang lumikas sa gusali dahil sa takot sa karagdagang pambobomba.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa Israel tungkol sa insidente.
Ang Lebanon ay nasangkot sa lumalawak na digmaan sa pagitan ng U.S.-Israel at Iran matapos maglunsad ang Iran-back na grupo ng Hezbollah ng mga rocket at drone laban sa Israel. Tumugon ang Israel sa malalakas na pambobomba sa timog, silangan ng Lebanon, at malapit sa Beirut.










